simsimi, in chanted, teleserye, at si puroy
3 Oct
magdadalawang taon na ako dito sa bansang ‘to sa susunod na buwan, diretso ‘yun na dalawang taon na walang uwian. sa loob ng mahabang panahon na ‘yun masasabi ko na sanay na ako at tanggap ko na ang mabilis na pagbabago ng sitwasyon kong umikot at pumihit patalikod.
pero s’yempre bilang tao andun pa rin paminsan minsan ‘yung kurot ng pangungulila sa mga mahal mo sa buhay na naiwan mo sa bansang pinanggalingan mo, ‘yung kulitan habang sabay sabay kayong kumakain sa kusina, nakakarinding ingay habang nakatutok ka sa panonood ng tv o may binabasang libro, at napakarami pang kinaiinisan mo dati na nakakamanghang hinahanap hanap mo ngayong malayo ka na sa kanila.
maliban sa pagsubsob sa unan habang umiiyak tuwing gabi o ang pagpapaanod ng luha mula sa tubig ng shower at ang paghihilamos ng buhangin sa gitna ng disyerto pag napaparami ng inom walang ibang paraan para lunasan ang pangungulila kundi ang makausap sila sa telepono o sa internet, wala akong pakialam kahit abutin kami ng ilang oras sa pag uusap at kahit triplehin pa ang bayad.. walang katumbas ang kasiyahang naidudulot nun sa akin.
naaalala ko nung mga unang anim na buwan buhat nung dumating ako dito, todo iwas ang nanay ko na kausapin ako sa telepono dahil nalulungkot s’ya na malayo ako sa kanila at sa iilang minsan na matityempuhan ko na s’ya ang nakakasagot sa telepono at wala na s’yang magagawa para umatras napupuno ng pagsinghot at paghikbi ang kabilang linya hanggang sa wala na akong mapag pilian kundi putulin ang tawag ko, at syempre andyan din ang mga pamangkin at anak ko na wala ng bukang bibig kundi umuwi na ako dahil nangungulila sila sa akin.. iba ang bahay pag wala ako. oo, alam ko ‘yun kaya tahan na.
naging maayos din naman ang lahat sa paglipas ng panahon, siguro nasanay at natanggap na rin nila ang sitwasyon. pero napansin ko ang pagbabago nitong nakaraan lang, kung dati nag aagawan sila para makausap ako o marinig ang boses ko ngayon parang nagtuturuan na, nagpapasa pasahan na parang may paligsahan na pag tumigil ang tugtog maaalis sa laro ang kung sinong mahuhuli na kausap ako. nagsimula kong mapansin ‘yun sa isa ‘kong pamangkin na bigla na lang nagla logout pag nakikita na nakaonline ako sa facebook na nasundan ng isa ko pang pamangkin na parang si simsimi kausap nung tinanong ko kung nasundo na ba ng nanay ko ang anak ko.

at kung papaano ako itrato ng pamangkin ko na nasa unang baitang pa lang ng elementarya matapos kong magmagandang loob na itanong kung ano ang gusto n’yang regalo sa nalalapit na kaarawan n’ya.

at ang dahilan ng nanay ko sa anak ko nung pinapatawag ko s’ya para isumbong ang pambabastos sa akin ng mga pamangkin ko.

at nung sa wakas nakausap ko rin ang nanay ko makalipas ang ilang araw matapos ipasa sa kanya ng pamangkin ko ang keyboard matapos namin aksidenteng mapag usapan ang aso namin na si puroy na kailan lang sumagi sa isipan ko habang nagpapaantok ako at naitanong ko pa nga sa hangin kung makikilala pa kaya ako nun pag uwi ko.

hindi ko alam kung uuwi na ako sa susunod na taon, patay na ang aso namin. baka maghanap na lang ako ng mas malaking disyerto na paghihilamusan ko o dodoblehin ko na lang ang punda ng unan sa kwarto ko.

di ko alam kung maawa ako o matatawa ako.
so poker face na lang siguro para neutral.
sapakin kita e