pabula
7 Apr
ikaw ang gamu gamong naghahanap ng ilaw at ako ang gutom na gagamba sa aking maliwanag na hapag kainan.
7 Apr
ikaw ang gamu gamong naghahanap ng ilaw at ako ang gutom na gagamba sa aking maliwanag na hapag kainan.
31 Mar
ang pagkopya sa salita ng iba para ariin mong iyo ay walang pinagkaiba sa pag nakaw ng tae ng kung sino para ipunas sa sariling p’wet mo at ipagmalaking natikman mo na rin kung ano man ang kinain n’ya.
7 Mar
ang pagbabasa ng salita ng iba para mangopya imbis na may matutunan ay walang pinagkaiba sa paglalagay mo ng pagkain sa bibig mo para lang magkatinga.
21 Feb
naranasan mo na ba ‘yung bigla na lang may dadaan sa sistema mo na pananabik ng labis sa isang pagkain? ‘yung kahit abala ka sa isang bagay bigla ka na lang magke crave sa isang pagkain na malamang sa hindi at sa kung ano mang biro ng pagkakataon ito pa ‘yung pagkain na hindi basta abot kamay mo lang?
pipilitin mong humanap ng pamalit sa pagkain na ‘yun pero kahit anong isalpak mong pagkain sa bunganga mo at kahit imbakan mo ng katakut takot na pagkain ang bituka mo at lunurin ng sandamakmak na tubig ang sikmura mo pakiramdam mo hindi ka pa rin busog. (more…)
14 Feb
ako si jon cabron.
matalino akong makikipaglaban katulad ni rizal, letra ang gagamitin kong sandata at mananalo ako ng hindi nagagalusan.
3 Feb
kahit gaano kahigpit ang kapit mo kung marupok ang kinakapitan mo babagsak ka pa rin.
13 Jan
hindi lang sigarilyo ang unti unting papatay sa’yo kundi pati na ‘yung pag papalipas ng ilang panahon na nakatengga lang ang utak mo. kumbaga sa bisikleta na ang trabaho ay sakyan s’ya para umandar, hinayaan mo lang ito na nakatambak sa isang sulok ng bahay n’yo. nauulanan, kinakalawang, at pinamamahayan lang ng gagamba. atrasong malaki sa sarili na iwan mo ang obligasyon mong matuto. ang utak ay halaman na kailangan mong diligan.
kung puno ka hindi sapat na basta yumabong ka lang, kailangan mong mamunga. tungkulin mong magbigay ng lilim sa iba at obligasyon mong mamunga.
isipin mo na kunyari alkansya ang ulo mo, papayag ka ba na basta palamuti lang ‘yan sa balikat mo? huwag! kahit paunti unti hulugan mo ‘yun ng karunungan, bigyan ng halaga at pabigatin mo para hindi basta tangayin ng hangin.
16 Nov
ituring mo na parang palengke ang isang relasyon.
matuto kang timbangin ang tama at mali, pag marami ng bulok itapon na pero hindi porket may sira hindi na pwede. ihiwalay ang nabubulok sa hindi nabubulok. wag haluan ng sira ang kamatis na bago.
kung pag aaralan mo na magbigay ng sakto lang wala kang aasahan na sukli, hindi ka mawawalan at hindi ka malulugi.
maraming tao sa palengke pero kung alam mo kung ano ang ipinunta mo dun hindi ka malilito.
2 Nov
huwag kang pumayag na ituring na gulong ng kahit na sino.
pinapagulong at pinapaikot.
pag hindi na kailangan, reserba.
pag wala ng silbi,
laruan ng mga bata.
11 Oct
bakit mo gugustuhin na nakakulong sa isang aquarium at umasa na lang sa pagkaing ihahain sa’yo kung pwede ka naman maging malaya sa malawak na dagat?