craving

21 Feb

naranasan mo na ba ‘yung bigla na lang may dadaan sa sistema mo na pananabik ng labis sa isang pagkain? ‘yung kahit abala ka sa isang bagay bigla ka na lang magke crave sa isang pagkain na malamang sa hindi at sa kung ano mang biro ng pagkakataon ito pa ‘yung pagkain na hindi basta abot kamay mo lang?
pipilitin mong humanap ng pamalit sa pagkain na ‘yun pero kahit anong isalpak mong pagkain sa bunganga mo at kahit imbakan mo ng katakut takot na pagkain ang bituka mo at lunurin ng sandamakmak na tubig ang sikmura mo pakiramdam mo hindi ka pa rin busog. (more…)

wisdom tooth

18 Feb

kumbaga ikaw ‘yung wisdom tooth na tinanggal sa akin mahigit dalawang taon na ang nakakalipas, hindi ko ‘yun hinahanap hanap dahil sa totoo lang hindi ko naman kailangan ‘yun, kuntento at gumagana naman ng maayos ang sistema ko ng wala ‘yun.
alam din ng diyos na walang pakinabang sa akin ‘yun pero pinili n’yang itanim sa gilagid ko ‘yun at patubuin dahil alam n’ya na pagdating ng araw isang importanteng aral ang matututunan ko dun.
hindi katulad ng mga nauna na, dobleng pag aalaga ang kailangan dito sa bago. kailangan todo ang paglinis dahil nasa dulo at mahirap iwasan na dun sumingit ang mga nginuya mo buong araw. dobleng pag aalaga sa isang bagay na wala namang pakinabang.
nagising na lang ako isang araw na sobrang sakit ng ngipin na ‘yun, hindi patas na sakit mula sa isang bagay na wala namang pakinabang pero binigyan mo pa rin ng ibayong pag aalaga.
halos isang linggo ko din ininda ang sakit na ‘yun, hindi ako makatulog ng maayos at hindi ako makakain, at hindi ako gumagana ng normal. isang desisyon ang kinailangan kong gawin, ipapabunot ko ba s’ya para isang big time na sakit na lang o titiisin ko na lang ‘yung araw araw na pagpapahirap n’ya sa akin? (more…)

tunay

16 Feb

papaano mo pa haharapin na katulad ng dati ang mundo kung pati ang paborito mong boston creme na donut ay hindi mo mapagkakatiwalaan?
alam ko na hindi ako mapapabilang sa listahan ng kahit na sino para sa unang dalawang daang taong kilala nila na pinaka relihiyoso sa lahat pero seryoso, sa sobrang bigat ng pagtataeng nararanasan ko ngayon, ni hindi ko maisusumpang maranasan sana ito ng kahit na sinong nakasamaan ko ng loob.

mandirigma

14 Feb

ako si jon cabron.
matalino akong makikipaglaban katulad ni rizal, letra ang gagamitin kong sandata at mananalo ako ng hindi nagagalusan.

aminin mo

14 Feb

madalas napupuna mo lang ang kabaduyan ng estilo mo pag nakita mo na itong ginagamit ng iba.

puro naman tayo mga bakya at baduy sa simula, lahat naman tayo mga panatiko muna ng kung sino bago nagumpisa. mga kopyahero at kopyahera sa kung sinong nauna sa atin kaya ang labanan na lang dun kung sino sa atin ang mauunang makahalata at makaisip lumihis sa bakas na sinusundan n’ya at gumawa ng sarili n’yang tatak.

tayo ang mga kabaduyan ng noon na pinagtatawanan natin ngayon.

 

 

huling salita

10 Feb

pagĀ  isa kang tanyag sa kung anong larangang kinakaaniban mo, lalo na kung isa kang manunulatĀ  kailangan mo ng tinatawag na last words, ito ‘yung huling salitang iiwan mo bago ka mawala sa mundong ‘to.
eto ang ilan sa mga halimbawa:

1. tomorrow, i shall no longer be here – nostradamus
2. pardon me, sir. i did not do it on purpose. – queen marie antoinette (after she accidentally stepped on the foot of her executioner as she went to the guillotine)
3. i can’t sleep - j.m. barrie (author of peter pan)
4. consummatum est – Jose Rizal (it is finished)

at ako, malamang:

5. eto ba ang lasing kaya pang tumalon sa pang anim na palapag ng building?! – Jon Cabron

hays!

3 Feb

minsan hindi ko na alam kung anong mas mahirap, ‘yung madami kang problema pero wala kang matakbuhang kaibigan o ‘yung madami ka pang beer pero wala ka ng yosi.

patuka sa utak

3 Feb

kahit gaano kahigpit ang kapit mo kung marupok ang kinakapitan mo babagsak ka pa rin.

moview review: x-deal

2 Feb

matagal ko ng gustong gumawa ng bago dito para magkaroon naman ng silbi ang blog ko at para din lumawak pa ang kategorya ng mga mambabasa ko, ‘yung hindi na basta nahahati lang sa mga naghahanap ng patuka sa utak, mga gustong mang intriga sa “upuan”, o ‘yung mga gusto lang makiusyoso tungkol sa mga kamiserablehan ng buhay ko.
mainit na pinaguusapan ang pelikulang ito sa facebook at twitter kaya tama lang na sa unang entry ko ay ito ang ipresinta ko sa inyo. ito ang pelikulang X-DEAL ni lawrence fajardo. (more…)

diz iz war

30 Jan

hindi ako inuubusan ng dahilan ng kumpanyang ‘to na isiping mali ang pagpasok ko sa kanila at dahil dun hindi ako mauubusan ng paraan para ipamukha sa kanila na maling mali na tinanggap nila ako.

>